Friday, October 4, 2013



PROBLEMA LANG YAN

Minsan ang sarap kalimutan ng problema. Nasubukan mo na ba? Yung parang wala kang naririnig, wala kang nababasa, wala kang nakikita, in short tulog ka lang. Pagtulog na lang ba ang natitirang paraan para makalimot tayo sa problema natin? Paano kung gusto mong makalimutan yung problema mo habang buhay? Papakamatay ka na lang ba? Basta kung maglalaslas ka, ang bibilhin mong blade ay yung mahal para meaningful naman ang pagkamatay mo.

“Huwag mong problemahin ang problema mo dahil mamomroblema ka lang.” Oo nga naman. Ano nga bang napapala natin sa pag-iisip ng problema? Kahit ano namang mangyari, problema pa rin yan at walang magbabago. Masyado siguro tayong atat na masolusyonan yung problema natin kaya habang nag-iisip ka ng solusyon sa problema mo ay kasabay naman ng pagdami ng pimples mo. Hindi ko naman sinasabing balewalain mo ang problema mo dahil kasama ‘to sa thrill ng buhay. Pero habang hinahanap mo ang value ng x, bakit hindi muna natin subukang humanap ng alternatibo kung pano tayo makakalimot sa problema natin kahit sandali lang. Eto yung naiisip kong pitong paraan para makalimot tayo sa problema  natin:

Gumawa ka ng playlist at pangalanan mo itong “ANTI-STRESS SONGS”. Ibig sabihin, wala dito yung mga kanta ng The Script katulad ng The Man Who Can’t Be Moved, Nothing, Six Degrees of Separation, Breakeven, etc.

Food is the key to happiness. Idaan mo sa foodtrip ang pagkabadtrip, walang masama sa pagiging matakaw pero kung wala ka sa bahay niyo mahiya ka naman.  

Kaibigan ang kailangan mo. Mas marami, mas masaya. Sabi nga sa isang quote na hindi ko alam kung sinong may sabi, “A good friend is cheaper than therapy.” Kaya kung may kaibigan kang manghihilot, meron kang good friend. Ano daw?

Magconcert ka sa bahay niyo, siguraduhin mo lang na walang makakarinig sayo.

Ibuhos mo ang oras mo sa hobby mo. Magwork-out ka, kumain ka (kumain na naman, pasensya na matakaw) manood ka ng movie, magshopping ka, tirisin mo yung pimples mo o kaya bilangin mo yung stars sa gabi.


At ang pinakamahalaga sa lahat, kalimutan mo muna yung teacher/professor niyo sa Math class mo tuwing weekend at huwag mo na rin munang isipin yung crush mo dahil hindi ka niya iniisip.










No comments:

Post a Comment