SINO ANG TUNAY NA MALANDI?
Kapag naririnig mo ang salitang malandi, anong unang pumapasok sa isip mo? Yung pokpok sa Baclaran? Yung pusa niyong palaging buntis? Yung mga aso na nakikita mo na kung anu-anong ginagawa sa kanto niyo? Yung mga nagdadrama sa twitter na naghahanap ng atensyon? O yung mga artista na nagpapasahan lang ng mga jowa? Bahala ka na, bahala ka na kung anong naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang malandi.
Lahat naman kasi tayo ay malandi, may kanya-kanyang level lang. Minsan nga, kung sino pa yung tahimik sila pa yung nauunang magkaroon ng baby. Nasa loob ang kulo kumbaga. Meron namang malandi na nagpapalandi nga pero hindi naman binibigay ang basket. Gets mo na yun. Nandyan din yung mga ninja na painosente pero tahimik tumatrabaho, ninja nga eh. Ang daming klase ng malandi no? Salot ba ang mga malandi o normal lang na maging malandi? Ano nga ba ang tingin ng mga tao sa isang taong malandi? Ako? Malandi rin ako. Kailangan sa buhay yan eh, pero hindi naman kasama sa basic needs yan. Huwag mong gawing hobby ang paglandi, dahil nakakalaki yan ng tiyan lalo na kapag nasobrahan ka. Landi moderately lang.
Landi Moderately
No comments:
Post a Comment